Local News

“Ayaw namin magalit si PDU30” – Manila Water CEO, Binunyag ang Totoong Dahilan Kung Bakit Hindi na sila Maniningil ng P7.4 Billion sa Gobyerno!!

Sa kanyang pagsalang sa Senate Inquiry, binunyag ni Manila Water Chief Executive Officer Rene Almendras na kaya hindi na nila hahabulin ang P7.4 billion arbitraton win sa gobyerno ay dahil ayaw nilang magalit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“It’s unfortunate the President got angry. We don’t want to anger the President,” sabi ni Almendra.

Nitong umpisa ng buwan ay galit na binunyag ni Pangulong Duterte ang kontrata ng gma water companies na inilarawan niya na “onerous”. Ayon sa Presidente, tagilid ang taumbayan at ang pamahalaan sa nasabing kontrata.

Nagbanta din si Pangulong Duterte na kakasuhan niya ng economic sabotage ang mga kumpanya at mga dating opisyales ng gobyerno na sangkot sa pagbalangkas ng kasunduan.

“We will expose them. And I will insist that they be tried for economic sabotage… I will file this, economic sabotage, and I will arrest them all. I will let them taste of a prisoner’s life… They do not pay corporate income tax. And the corporate income tax they pass on to people as part of what you pay for the water…They are the ones distributing water to consumers. Sometimes they stop the supply,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Sa privilege speech kahapon ni Senador Bong Go, idinetalye niya ang mga pagkaka-dehado ng gobyerno at ng mga Pilipino dahil sa naturang kontrata.

“Tayo pa ngayon ang magbabayad ng bilyon-bilyon mula sa kaban ng bayan dahil pinigilan sila magtaas ng singil ng serbisyo na napakababa ng kalidad. Buong bansa ang magbabayad, hindi lang ang kliyente ng mga concessionaires na ito, the whole constituency, not just the part of it. It will bear the brunt of the greed and selfishness of these big concessionaires,” banat ni Go.

Binatikos din ni dating Presidential Adviser on Political Affairs at ngayo’y Senador Francis Tolentino ang mga kondisyones na nakalagay sa kontrata kung saan pinagbabawalan ang gobyerno na makialam sa operasyon ng mga water companies.

“Itong mga kontrata na ito ay one-sided. Hindi lang ginatasan, tinubigan po ang ating mga kababayan. ‘Yun palang corporate income tax ay ipinapasa sa mga consumers bilang consumption tax. In effect, exempted po sila sa pagbabayad ng corporate income tax,” buwelta naman ni Senador Tolentino.

Source: Philstar | Senador Bong Go’s Speech via Ang Malayang Pilipino | PTV | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén