Local News

“Ayoko magbayad ng tax… walang mass testing!” ABS-CBN Actor Carlo Aquino

Noong gitnang bahagi ng Mayo ay may ilang grupo na nagsusulong ng mass testing kaugnay sa coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak.

Nakisama na rin sa panawagan ang ilang personalidad sa showbiz. Isa na dito ay ang aktor mula sa ABS-CBN na si Carlo Aquino. Sa kanyang instagram account, sinabi niya na hindi siya magbabayad ng buwis ‘pag walang mass testing.

“Ayoko magbayad ng tax… walang mass testing,” banat ni Aquino.

Matatandaang ipinaliwanag ng tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Harry Roque na nagsasagawa na ang gobyerno ng expaned targeted testing. Nilinaw din ni Roque na walang anumang bansa ang nagsasagawa ng testing sa buong populasyon nito.

“Mayroon po tayong expanded targeted testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsimula pero we are aiming for 30,000. Maling-mali po ang report mo na walang kahit anong priority na binibigay ang gobyerno sa testing,” sabi ni Roque.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: