Local News

Babae, Sinabunutan at Tinadyakan ng Lalaking Umaaresto!

Kumakalat ngayon ang isang CCTV footage mula sa Facebook page na “Philippines CCTV & DASH CAM Spotted”. Sa nasabing video, makikita ang isang ginang na puwersahan dinakip sa harap ng kanyang mga anak at sa loob ng tahanan.

Makikita na pumasok na lang bigla-bigla ang mga kalalakihan at agad tinangkang dakpin ang babae. Mapapansin sa video na kinuha ng lalaking nakakulay-green na damit ang cellphone ng binatilyo. Habang ang lalaking nakakulay pink na damit ang sumabunot at tumadyak sa ginang.

Sa huliang bahagi ng video ay nakaladkad na ng tuluyan ang babae palabas ng tahanan. Habang ang mga kaanak nito ay sumunod sa mga kalalakihan dumakip sa ginang.

Ang video ay napanood na ng mahigit 1 milyong beses. Umani na rin ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga kababayan natin. Naibahagi na rin ang video ng lagpas 40,000 habang isinusulat ang blog na ito.

Narito ang komento ng ilang kababayan natin sa nangyaring insidente.

Source: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Leave a Reply

Theme by Anders Norén