Feature

Babaeng Anak ng Senador, Binugbog umano ng Int’l Drug Crime Boss?

Sa librong pinamagatang “The Mastermind” na sinulat ng award-winning journalist na si Evan Ratfliff, idinetalye kung paano naitayo ni Paul Calder-Le Roux ang sindikato nito sa Pilipinas noong 2007 at kung paano ito malayang nakapag-operate sa ating bansa.

Si Le Roux ay isang South African Information Techonology (IT) genius. Ginamit nito ang galing sa teknolohiya sa pagbebenta ng droga, armas at iba pang malalaking krimen.

Base sa libro, nakabili daw si Le Roux ng isang bahay sa marangyang Dasmarinas Village sa Makati City at umupa raw ng high-end condominium sa Makati din. Dito daw ginagawa ni Le Roux ang pagmamando sa mga iligal na operasyon.

Ayon pa sa libro, sinigundahan ng tauhan ni Le Roux ang istorya na galing sa isa pang source tungkol sa ginawang pambubogbog ni Le Roux sa anak na babae ng isang senador matapos tumanggi ang babae sa isang “sexual act”.

Dahil naging “big deal” ito, inimbitahan daw ni Le Roux ang naturang senador sa opisina nito upang alukin ng $2-3 million pambayad sa nagawa sa anak, saad sa libro. Hindi pinangalanan sa libro kung sino ang nasabing senador.

“That was Le Roux, his power in the Philippines… Right hands of the President. Commanders, Generals. He had the Filipino staff working in the US Embassy on the payroll,” ayon daw sa tauhan ni Le Roux.

Si Le Roux ay naaresto sa Liberia.

Sangkot din si Le Roux sa pagkamatay ng Pilipinang real estate broker na si Catherine Lee noong 2012. Ang naging kasalan lang daw ni Lee ay naibigay nito ang P50 million ni Le Roux sa pangalawang real state agent na dumispalko naman ng pera. Pinaniniwalaan ipinapatay din daw ang pangalawang real state agent.

Napisip tuloy ang may akda ng libro na si Ratliff kung paano kaya ang naging takbo ng operasyon ni Le Roux kung nagkataon na si Duterte ang Pangulo ng Pilipinas noon.

Source: Inquirer | Inquirer | Philstar | TFC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén