Uncategorized

Pobreng Balikbayan, Hinoldap ng Kawatan na Airport Taxi Driver!

Isang kababayan natin ang nabiktima ng kawatan na airport taxi driver sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 2. Ang laking perwisyo at takot ang inabotng kababayan natin si Karen Mitschek nang pagbantaan siya na babarilin ng taxi driver kung hindi ibibigay ang mga kagamitan nito.

“Baba ka, bastahuwag kang sisigaw, sabi niya sa akin. Kasi pag sumigaw ka o humingi ng tulong, babarilin kita,” sabi ni Mitschek.

Si Mitschek ay bumalik sa Pilipinas para panahon ng semana santa.

“Kakauwi ko nga lang po. Eight days lang po ako dito sa Pilipinas. Sabi ko sa driver ‘parang awa niyo na kararating ko lang po, hindi ko pa nakikita anak ko.’ Basta buhay ako kahit ano ibibigay mo na,” dagdag pa ni Mitschek.

Gumawa naman ng aksyon ang mga tagapamunuan ng NAIA. Titiyakin nila mananagot ang kumpanya ng taxi kung saan nagmula ang dorobong driver.

“Nagbigay na ako ng kautusan na i-ban ‘yung buong fleet ng taxi na ‘yon dahil pasaway at peste ‘yan sa mga mananakay. Hindi ko nilalahat. May ilan talagang ganu’ng pangyayari but definitely we will act on it,” sabi ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.

Ayon sa ulat, natagpuan na ang taxi. Inabandona ito ng suspek malapit sa paliparan.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: