Local News

Babaeng, Nag-aalok ng 75 Million para Ipapatay si PDU30, Arestado!

Isang netizen na may Facebook account na Ma. Enirethac Norec ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ngayong araw matapos mag-post ng pagbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hindi ang unang pagkakataon na may inarestong indibiduwal na nagbabanta sa buhay ni Pangulong Duterte. Magugunita na nitong nagdaang araw ay naging laman ng balita ang guro matapos dakipin ng mga otoridad maatapos itong mag-alok ng P50 million para sa mga makakapatay daw kay Pangulong Duterte. Nang mahuli ito ay wala ng nagawa at humagulgol ito sa posibleng kaparusahan.

Kahapon ay may hinuli din ang lalaki na nag-alok naman ng P100 million kapalit ang buhay ni Pangulong Duterte. Sa social media post nito ay tila nagyayabang pa laban sa mga otoridad at ibinigay pa ang impormasyon kung nasaan siya.

“BREAKING NEWS: Eaeaki nga nag post sa facebook nga maga tao it 100 million pesos sa sin-o man makapatay kay Presidente Duterte, arestado it mga otoridad sa isla it Boracay makaron nga gabii. Ro suspect gin kilaea sa kay Ronald Quiboyen nga residente man it nasambit nga isla,” sabi sa Facebook post ng journalist na si Kaibahang Jan Allen B. Ascaño.

Source: Superbalita Cebu | Sunstar Cebu | Ronald Allan Sison | Archive | Kaibahang Jan Allen B. Ascaño | Archive | Buhay Lespu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: