Local News

Panoorin: Babaeng Nagbintang ng Panghihipo, Nagmakaawa para Iatras ang Demanda!

Kumalat ng husto sa social media ang insidente na kinasasangkutan ng isang babaeng pasahero at ng 53-anyos na kapwa pasahero nito. Inakusahan kasi ng babae ang matanda na hinipuan siya at kalaunan ay nagtawag para kuyugin ang matandang lalaki na nakilala sa pangalang Mr. Alexander Butal. Dahil sa nangyari, nagtamo ng sugat sa mukha si Mr. Butal.

Pero sa kuha Closed-circuit Television (CCTV) footage sa loob ng e-jeepney, iba ang lumabas na istorya. Mapapanood kasi na nawala lang sa balanse si Mr. Butal nang akmang uupo na ito dahilan kaya muntik na ito tumumba sa direksyon ng babae.

Ang sigalot na ito ay nakarating sa programa ni Raffy Tulfo kung saan pinagharap ang dalawang panig. Kasama ni Mr. Butal ang kanyang mga anak.

Sa kanilang paghaharap muli, humingi ang babae ng kapatawaran kay Mr. Butal na nagpapagaling sa mga sugat na tinamo niya sa pambubugbog. Humingi na rin ng pagpapatawad ang ama ng babae na isa din sa kumuyog kay Mr. Butal.

Hindi naman nagpadala sa pagmamakaawa si Mr. Butal at sinabi na itutuloy niya ang kaso laban sa mga nang-argabyado sa kanya.

“Para po sa akin, tuloy po ang kaso, wala pong mababago… Buti nalang at may anak ako na marunong,” sabi ni Mr. Butal.

Lumuhod at nagsumamo na rin ang ina ng babae kay Mr. Butal para huwag magdemanda.

“Wala po kaming trabaho‚Ķ wala kaming kakayanan para mga demanda,” pagmamakaawa ni ina ng babae.

Ayon sa lalaking anak ni Mr. Butal, susubukan niyang kumbinsihin ang ama niya na patawarin ang babae pero ang huling desisyon ay nakasalalay daw sa kanyang tatay.

Sa panayam ni Tulfo, sinabi na mr. Butal na kinotongan pa raw siya ng isang indibiduwal sa barangay. Ayon kay pa kay Mr. Butal, pinahingi din daw siya ng kapatawaran sa babae ng mga pulis kahit walang ginagawang imbestigasyon ang mga ito.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén