Local News

Babaeng Nambastos ng mga Pulis sa Quarantine Checkpoint, Arestado!

Nag-viral kanina lang ang video ng isang babaeng nakikipagtalo sa mga pulis na nagpapatupad ng hard lockdown na bahagi ng enhance community quarantine.

Sa nasabing video, mapapanood ang babae kung paano niya minura-mura ang mga alagad ng batas. Kapansin-pansin din na wala itong suot na face mask. May isang bahagi pa sa video na may tinawagan ito at tila nagpapasaklolo sa kausap niya. Todo reklamo din ito na masusunog na ang kanyang mukha dahil nga nakikipagtalo siya sa mga pulis sa kasikatan ng araw.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa higit 140,000 ang nag-sahre ng video at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon.

Ngayon araw din ay lumabas na sa social media ang mug shot ng nasabing babae.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: