Local News

Panoorin: Babaeng Preso, Kinakana ni Police Chief sa Presinto?

Hindi na nakaporma sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) si Chief of the Argao, Cebu Police Major Ildefonso Miranda Jr.

Ayon kay PNP-IMEG Director Police Colonel Ronald Lee, naaktuhan nila si Miranda na natutulog sa kanyang quarter kasama ang mas batang female detainee habang ang isa pang babaeng preso ay nasa kanyang opisina.

Ang dalawang babaeng inmates ay kinilala na sina Jean Claudia De Guzman, 23 and a certain Brenda Cutillar, 40. Ayon sa mga ulat, ang dalawang ay mga drug personalities at nahuli sa magkahiwalay na operasyon.

“The two female inmates are supposed to be locked up at the police jail, not sleeping in the room of the police station commander,” sabi ni Lee.

Sa cellphone ni Miranda, nakita ang mga larawan niya na kasama ang babaeng preso habang nakahiga. Mayroon pa itong isang litrato na ipinasuot pa sa babaeng preso ang kanyang uniporme.

Kinumpiska na kay Major Miranda ang PNP-issued Glock 17 caliber 9MM semi-automatic pistol nito, pati ang Piertro Beretta pistol.

Inirekomenda na ni Lee kay Central Visayas police chief Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro ang summary dismissal laban kay Major Miranda.

Mahaharap si Miranda sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Direct Bribery and violation of Article 156 of the Revised Penal Code or the Delivery of Prisoners from Jail.

Ito po ang video ng operasyon ng PNP_IMEG laban kay Major Miranda.

Source: GMA News | Daily Tribune | DZMM| Zhander Cayabyab

Leave a Reply

Theme by Anders Norén