Local News

Babaeng Pulis, Sinapok sa Ulo ng PNP Police Brig. General!

Pansamantalang tinanggal sa puwesto si Eastern Police District (EPD) director Police Brig. Gen. Christopher Tambungan dahil sa pang-aabuso nito kay Police Corporal April Santiago sa San Juan police community precint.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hinampas ni Tambungan si Santiago sa ulo, dinunggol pa raw ng heneral ang pintuan ng kotse sa babeng pulis at pinaliguan pa raw na masasakit na salita.

Nagalit daw si Tambungan kay Santiago matapos hindi siya natulungan ng babeng pulis sa isang task.

“Tambungan’s actions are unjustified and completely unbecoming of an officer of the [Philippine National Police],” pahaygni Eleazar.

Hindi nagustuhan ng dating mamamahayag na si Jay Sonza ang inasal ni Tambungan sa mas mababang ranggong pulis at hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ito sa serbisyo.

“Mr. President,
Strip this SOB police general of his star in his shoulder board, summarily dismiss him and assist the poor policewoman in filing criminal, administrative and civil cases against this policeman acting like an animal in the middle of the street.
relieving him as EPD director is unacceptable to your constituents, especially the women,”
sabi ni Sonza.

Source: UNTV | ABS-CBN | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén