Local News

Babaeng Quarantine Violator, Nagwala at Nanakit ng Sundalo at Pulis!

Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang babaeng lumabag sa patakaran ng quarantine at sa pagpupumilit na lumusot sa checkpoint kahit walang quarantine pass.

Sa video na ii-upload ng netizen na si Kaloi Koi, makikita ang ginang na nilampasan ang isang checkpoint sa Barangay Nagkaisang Nayon na binabantayan ng mga sundalo, pulis at barangay officials.

Kahit na pinapakalama na ito ng mga otoridad ay nagawa pa nag babae na manuntok at manipa. Dahil sa ginawa ng babae, dumugo ang mukha ng isang pulis. Hinablot pa ng ginang ang ID ng isa sa mga army reservist.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay kumlat na ng lubos ang video ng babaeng quarantine violator. Sa katunayan, naibahagi na ang video ng higit 80,000 beses sa Facebook at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens.

Ilang araw lang ang nakararaan ay isang babae sa Barangay 156, Bagong Barrio sa Caloocan ang dinala sa istasyon ng pulis dahil sa pagsuway sa mga alagad ng batas.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: