Local News

Babaeng Tumanggap ng P6,500 na Tulong sa Gobyerno, Pinang-Rebond ang Pera

Tiklo ang inabot ng isang babae matapos ito lumbag sa curfew. Ang matindi pa, inabutan ng curfew ang babae dahil nagpa-rebond ito at ang perang ginamit sa pagpapa-rebond ay ang P6,500 na tulong mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Tatlong katao po ang aming nasakote kagabi (april 20) na lumabag po sa curfew kasama rito ang dalawang mag asawa na nag aaway sa ilalim ng flyover bandang 9 ng gabi at isang babae na naglakakad sa crossing pauwi dakong 9:30 ng gabi na umaming nagparebond siya nang makatanggap ng ayudang 6,500 mula sa dswd,” sabi ni Bocaue, Bulacan Counsellor Rico Navarro.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may kababayan tayong nahuling ginamit ang tulong ng gobyerno sa hindi dapat nabagay. Kamakailan ay may nahuling construction workers sa Cavite na ginamit ang ayuda mula sa pamahalaan para ipambili ng shabu. Isang pamilya din ang inaresto ilang laraw ang nakalipas dahil ginamit naman sa pang-kapital sa pagtutulak nila ng droga ang tulong galing sa gobyerno.

Magugunitang naglabas ng sama ng loob si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kababayan nating nakatanggap ng ayuda pero imbes na ipambili ng pangangailangan ay ginamit ito sa bagay na walang pakinabang.

“Alam mo sa totoo lang yung kayong nag sasabong pati nag inuman, ibig sabihin may pera kayo […] do not expect any help from me… Sabihin ko talaga. Sorry na lang. May pera pala kayo pang sabong, may pera pala kayong pang-inom. E’di ibigay ko na lang (sa iba). There’s not enough to go around. Hindi talaga mag-kasya… Yung counting natin na pamilya in a family. Mag tanong tayo ilan sila. Kaya ‘yung assistance binibigay ng gobyerno, eh, dapat talaga gamitin ninyo sa wastong paraan… Kulang na kulang pala, ibigay ko na lang sa nangangailangan at wala na mapuntahan,,” sabi ni Pangulong Duterte..

Source: Abante | GMA News | GMA News | PCOO via GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: