Local News

Bagitong Partylist Congressman, Nanapak ng Waiter! Sapul sa CCTV!

Nahagip sa lente ng Closed-Circuit Television (CCTV) ang ginawang pananapak ng baguhang Partylist Congressman sa isang waiter sa Biggs Diner sa Old Albay District, Legazpi City.

Nakilala ang suspek na si Ang Probinsyano party-list Representative Alfred Delos Santos. Ang biktima naman nito ay si Christian Kent Alejo, 20-anyos.

Base sa blotter report ng kapulisan, nagpakawala daw ng suntok ang kongresista at masuwerte namang naka-iwas ang waiter sa suntok ng mambabatas.

Mapapanood sa CCTV na mayroong 3 kasama si Delos Santos nang nangyari ang insidente.

Ayon sa source ng Politiko website, inabisuhan daw si Alejo na huwag maghain ng kaso laban kay Delo Santos dahil isa daw itong kongresista.

Ayon naman sa ulat ng Abante, amoy alak daw ang kongresista noong inundayan niya ng suntok ang waiter. Nagpadala din daw ng emisaryo si Delos Santos para aregluhin ang nangyari pero tumanggi daw ang biktima.

Binanatan naman ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo ang inasal ni Congressman Delo Santos.

“HULI SA CCTV….Bagitong partylist congressman NANAPAK ng waiter sa Legaspi, Albay dahil hindi niya gusto ang tingin ng pobreng waiter. (Tsk, tsk, tsk…kabago-bago abusado na). ANG PROBINSIYANO CONG. Alfred Delos Santos maaring masuspinde (bakit suspinde lang – sibakin ang mga gag*),” buwelta ni Tulfo.

Basahin ang ilang komento mula sa Facebook page ni Tulfo.

“BKT SUSPENDE LNG SIR DPAT SIBAKIN NA YAN MAYABANG DIN ANG BUANG AKALA MO KNG MGA CNU SA BANSA 😤 BUTI PA MGA ANAK N PRESIDENTE TAHIMIK LNG MGA ANAK PA YAN MGA PRESIDENTE AHHH CLA MGA NZA BABA LNG AKALA MO KNG MGA CNU 😏😤,” sabi ni A. Gray.

“Yan ang mga ayoko, yung mga mayayabang na tongres,este congressman,” sabi ni F. Solis III.

“Imbes na sila dapat ang magtanggol sa mga manggawa bilang representante sa congreso sa mga naapi pero baliktad ang nangyari dito mo makikita kung ano tlga ang kulay ng kanyang pagtakbo bilang partylist nkakalungkot isipin….dapat sibak ang nararapat,” sabi ni G. Corpuz.

Source: Erwin Tulfo | GMA News | Politiko | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén