Local News

“Bago ka Mamatay DU30, Isuko mo na ang Presidensiya kay Leni” Banat ni Communist Leader Joma Sison noong 2019!

Para sa tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Marie “Joma” Sison, dapat na daw isuko ni Pangulong Rodirgo Roa Duterte ang pagka-presidente nito kay Vice President Leni Robredo. At dapat daw gawin ito ng Pangulong Duterte bago ito pumanaw.

“It is better for him to resign and yield his office to his Vice President before he dies or continues to languish in bed with his joyful fentanyl”. boladas ni Sison.

Sinabi ito ng lider ng mga komunista matapos mag-anunsiyo ang MalacaƱang na magpapahinga muna sa trabaho si Pangulong Duterte ng tatlong araw. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang kaugnayan sa medical na kondisyon ang balak ng Presidente na mag-break.

Kalaunan ay sinabi naman ng palasyo na hindi na magbe-break ang Pangulong Duterte, kundi dadalhin na lamang ng Presidente ang trabaho nito sa kanyang bahay sa Davao City.

Patutsada naman ni Sison, umeepekto na raw sa kalusugan ng Pangulong Duterte ang fentanyl.

Magugunita na umamin si Pangulong Duterte na gumamit ng gamot na fentanyl para maibsan ang sakit na nararanasan niya dahil sa spinal injury na tinamo sa isang aksidente sa motorsiklo noong hindi pa ito Presidente.

Boladas pa ni Sison, panay pahinga at hindi gaano nakakapagtrabaho si Pangulong Duterte at ito daw ay nakaka-apekto ng matindi sa sambayanang Pilipino.

“(Duterte’s) long rests and small amount of work (had been) greatly detrimental to the people,” patutsada pa ni Sison.

Sa hiwalay na balita, pinuri naman ni Sison ang ginawang pag-atake ng mga New People’s Army (NPA) sa militar na nagresulta sa pagkasawi ng 6 na sundalo.

“I salute and congratulate the Red commanders and fighters that carried put the successful tactical offensive in Samar… It is a sharp and resounding response to the repeated lie of the AFP and PNP that they have already destroyed the NPA by either by k*lling or making the NPA personnel surrender,” boladas pa ni Sison.

Source: DWIZ | Inquirer | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén