Local News

“Bago pa dumating sina Bea Alonzo, Maganda na ako!” Sharon Cuneta, Nagmalaki sa Basher!

Hindi nakapagpigil si megastar Sharon Cuneta sa isang netizen na ikinukumpara siya sa mga artista ng kasalukuyan katulad nila Bea Alonzo, Anne Curtis at Liza Soberano.

Sa isa niyang Instagram post, may isang netizen ang sinabi na maswerte si Sharon dahil hindi siya natapat ng panahon sa kasikatan nila Bea, Anne at Liza at baka hindi siya mapansin kung nangyari man ‘yon.

“Good thing noon ka nag artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza, Anne Crustis, baka di ka mapansin. Kung kamukha mo sana mommy mo, pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo eh,” sabi ng netizen.

Hindi naman nagpatinag si Sharon at ipinagmalaki niya na naniniwala siyang kayang kaya niya na makipagsabayan sa tatlong artista na binanggit ng netizen dahil hindi lang daw itsura ang maganda sa kanya.

“Eh di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumatign sina Bea at lahat sila eh maganda na ako Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng mga producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako! Alam mo, ang ganda, sampusampera. Ang di maipaliwanag ng at sa tao, ay yung tinatawag na X-Factor,” ani Sharon.

“Pwede ba ako sumikat ng di milyon ang sumusuporta at nagmahal sakin? Engot.” dagdag niya pa.

Pumalag muli ang netizen ant sinabing wala daw choice ang mga producer noong kapanahunan ni Sharon kaya’t siya lang ang sumisikat noon.

“My point is wala lang ibang choice nung time mo kya ka sumikat. Kung kasabayan mo lahat mga bata ngayon baka di ka nakapag artista” banat ng netizen.

Ngunit pinasinungalingan ito ni Sharon at sinabing madami siyang nakasabay na artista noon.

“Wala kang point madami na kami noon engot ka lang talaga. Kahit madaming maganda bilangin mo ilan umabot sa kinalalagyan NAMINg mga kween hindi kween kweenan o feeling kween”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Bea, Liza at Anne sa post ni Sharon.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén