Local News

Bagong High Rating ni DU30, Matinding Sampal sa mga Kritiko – Presidential Spokesperson


“Isang matinding sampal sa oposisyon at mga kritiko”.

Ganito inilarawan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang muling pagkakamit ng mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations survey.

Nakakuha si Pangulong Duterte ng +72 (Excellent) net satisfaction rating sa SWS First Quarter 2019 survey na inilabas nitong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Panelo, isang malaking sampal sa oposisyon at sa mga bumabatikos kay Pangulong Duterte ang nasabing mataas na rating, at sa mga nagdududa sa mga polisiyang ipinatutupad ng Presidente.

Dagdag pa ng MalacaƱang, ito na umano ang pinakamataas na rating na natanggap ng Administrasyon nang magsimula ang SWS namagsagawa ng survey noong Pebrero, taong 1989. Patunay lamang umano ito na nagbubunga na ang pagsisikap ng pamahalaan na maaayos na mapagsilbihan ang bayan at ang mga Pilipino.

Batay sa nabanggit na survey, ang Administrasyong Duterte ay nagkaroon ng malaking improvement sa iba’t ibang isyu tulad ng paglaban sa terorismo (+58) at muling pagbangon sa Marawi (+58).

“Our countrymen’s towering satisfaction in favor of our hardships and attainments is a hard slap on the face of the opposition and our detractors who never gave the leadership of President Duterte a chance to show them his competence in administering the nation’s affairs.

“Excellent” o +72 ang naging rating ng Pangulo sa survey sa pagtulong sa mahihirap, mula sa “very good” o +68 noong nakaraang quarter.

Kung hihimay-himayin, ilan sa mga naging resulta ng nasabing survey ang mga sumusunod:

+48 para sa pagsugpo ng krimen
+45 para sa pag-reconcile sa mga komunistang rebelde
+44 para sa pag-reconcile sa mga komunistang Muslim
+41 para sa pagsugpo sa graft and corruption
+41 para sa foreign relations, at
+40 para sa pagtatanggol sa Philippine sovereignty sa West Philippine sea

Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1440 Filipino adult respondents. Walumpu’t isang porsyento ang nagsabing satisfied sila sa general performance ng national government habang sampung porsyento naman ang undecided, at 9 na porsyento ang dissatisfied.

Samantala, nanawagan naman si Panelo sa mga kritiko ng Pangulo na “gumising” ang mga ito at “tumulong” sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas.

Source:
ABS-CBN News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: