Local News

Bagong Manila International Airport, Itatayo na Ngayong Taon!

Ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang isang magandang balita sa kanilang social media account.

Ayon sa ahensiya, nakatakda nang simulan ang konstruksyon ng New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan bago magtapos ang taong 2019.

Nakamit ng San Miguel Holdings Corporation (SMHC) ang kontrata matapos magsagawa ang gobyerno ng Swiss Challenge para sa proyekto. Wala kasing karibal na nag-bid para sa pagpapagawa ng paliparan.

Buong sigasig naman na ibinida ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade ang maitutulong ng nasabing proyekto.

“This new international airport is important in helping ease the congestion of the Ninoy Aquino International Airport. Together with the expansion of Clark Airport and the construction of additional facilities at Sangley Airport, NMIA is part of ‘baskets of solutions’ to bring further connectivity to the Filipino people,” sabi ni Secretary Tugade.

Ayon pa sa social media post ng DOTr, kayang mapagsilbihan ng bagong airport ang 100 million pasahero kada taon kung pagbabasehan ang design capacity nito. Maari din daw ito umabot sa 200 million na pasahero kung papalakihin pa ang paliparan.

Magkakaroon din daw ito ng apat na parallel runways at tinatantiya na magkakaroon ito ng 240 aircraft movements per hour.

Kasama rin sa proyekto ay ang pagpapagawa ng 8.4-kilometer tollway na magdudugtong sa NMIA at sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Marilao, Bulacan.

Inaasahan na magagamit ang nasabing paliparan sa susunod na apat o anim na taon mula sa pag-uumpisa ng konstruksyon nito.

“The instruction of Secretary Tugade was that we were expecting San Miguel Corporation to break ground by the last quarter of this year. And in the ordinary course of things, according to our time period under the law, that is very doable,” sabi ni DOTr Asec. Lopez.

Ikinalugod ng ilang netizen ang balitang ibinahagi ng DOTr. Ang post ng DOTr ay umani ng libo-libong reaksyon mula sa mga kababayan natin.

Panoorin ang kaugnay na video ukol sa proyektong ito.

Source: DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén