Local News

Baguio, NEXT na Pagagandahin ng Gobyerno, Matapos ang Successful Boracay Rehab!

Nakatuon na ang atensyon ng pamahalaan sa Summer Capital na Baguio City, ito ay matapos ang matagumpay na direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim sa rehabilitasyon ng Boracay Island.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nagbigay na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng kautusan upang ipagbawal ang pagpuputol ng mga puno sa lungsod nito. Ipinahinto na rin daw ng Punong Lungsod ang mga bagong konstruksyon ng mga gusali sa syudad. Inililipat na rin ng gobyerno ang mga tahanan at istruktura na malapit sa slopes sa lungsod. Babala ni Puyat, ang slopes ay mapanganib para sa mga bahay at mga opisina. Nangako din daw si Mayor Magalong na hindi na gagawin parking lot ang Burnham Park na naunang plinano ng nakaraang lokal na administrasyon ng lungsod.

Marami na ang nagrereklamong turista sa lungsod. Isa sa mga inirereklamo ay ang unti-unting pagka-ubos ng mga pine trees at matinding trapiko.

Binunyag naman ni Puyat na plano ng pamahalaan na gawing “smart city” ang Baguio.

“Mayor Magalong already told us that he has prohibited cutting of trees, no more new buildings… We have given him P400 million to rehabilitate Burnham Park,” sabi ni Puyat.

“I told nga mayor, I don’t like to go to Baguio anymore, it’s so traffic… (And he said) no, no, no, I’ll convert it into a smart city,” dagdag pa ni Secretary Puyat.

Isiniwalat din ni Secretary Puyat na mas nakikipagtulungan na ngayong ang mga Local Government Units sa National Government matapos ang matagumpay na rehabilitasyon ng Boracay.

Magugunita na nagbabala ang mga seismologists na ang isang malaking lindol sa Baguio ay magiging daan para maapektohan ang maraming buhay kung sakaling dumami ng husto ang tao sa lungsod.

Source: Philstar

Leave a Reply