Local News

Bahala ang Estudyante sa Buhay nila! Kung Mamatay sila, sino may Kasalanan? UP Professor, Bumoladas!

Nitong nagdaang maga araw ay naging laman ng balita ang pagbuwag ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) tungkol sa pagbabawal sa mga sundalo na makapasok sa campus ng unibersidad nang walang pahintulot sa pamunuan ng eskwelahan.

“The agreement has become obsolete… University of the Philippines has become the breeding ground of intransigent individuals and groups whose extremist beliefs have inveigled students to join their ranks to fight against the government…The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ang hakabang na ito ni Defense Secretary Lorenzana ay binatikos ng ilang opisyal ng UP.

Nanindigan naman si Lorenzana sa kaniyang pasya. Ayon sa kalihim, dapat ipaliwanag ng pamunuan ng UP kung bakit may namamatay na mga estudyante sa bakbakan ng militar at ng New people’s Army (NPA).

Hindi naman nagustuhan ng propesor ng UP na si Dr. Clarita Santos ang naging pahayag ni Sec. Lorenzana. Kinuwestiyon ni Carlos ang pag-o-obliga daw ni Lorenzana sa liderato ng UP.

“Why would he (Sec. Lorenzana) oblige UP to explain to him why certain of our graduates died during military encounters? Yaya ba kami ng mga estudyante? 54 years na akong nagtuturo eh, wala akong ni-YAYA diyan sa mga estudyante. Bahala ka diyan sa buhay mo. ‘Yan ang pinili mong path ng future mo. Kung mamatay ka diyan, sino ang may kasalanan,” sabi ni Carlos.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang naging banat ng propesora.

“What a word from a second parent,” – R. Valdez

“Kaya nga po maglalagay ng sundalo’t pulis po mam pra di i choose ng mga estudyante na marecruit ng npa.ang pagtuturo yun po ang trabaho niyo.ang pigilan ang mga NPA recruiter na maradicalize ang mga estudyante nyo po yun ang trabaho ng mga sundalo’t pulis.Ay ala,di kailangan maging matalino para maintindihan ang logic bakit maglalagay ng sundalo sa UP.kahit pedicab driver maiintindihan po,” – J.Ambida

Source: News5 | News5 | GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén