Local News

Tax Avoidance Scheme ng ABS-CBN, Binunyag ni Rep. Marcoleta!

Sa pagdinig ngayon sa mababang kapulungan ukol sa legislative franchise ng ABS-CBN, inisa-isa ni Congressman Rodante Marcoleta ang mga kasalanan ng ABS-CBN. Isa dito ay ang paggamit diumano ng ABS-CBN ng mga pamamaraan para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

“ABS-CBN also violated the terms and conditions of its franchise by engaging in tax avoidance schemes which deprived the government of the much needed revenue,” pagsisiwalat ni Marcoleta.

“It used its fully owned subsidiary, Big Deeper Digital Content and Design Inc., a PEZA (Philippine Economic Zone Authority) registered company as tax shield. Its main customer is ABS-CBN hungary. And because of this tax avoidance scheme, ABS-CBN alleged effective tax rate in 2018 was at negative 5 percent. This means that ABS-CBN manage to avoid paying taxes in 2018, ” paliwanag ni Marcoleta.

Kinumpara din ni Marcoleta ang ABS-CBN laban sa GMA7. Ayon kay Marcoleta, ang Kapuso network daw ay nagbayad ng P1.3 billion noong 2018 habang ang ABS-CBN ay walang binayaran dahil sa tax credit nito.

“Bakit ang GMA 7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng ABS-CBN ay nakapagbayad ng buwis sa pamahalaan ng P1.6 billion noong 2018. Samanatalang ang ABS-CBN ay walang binayarang buwis. Bakit naman nakalibre ang ABS-CBN noong 2018 sa negative income tax nila na 84 million. Ibig sabihin nito ay may tax credit ang ABS-CBN at gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito. Wala po itong pagkakaiba sa isang taong umutang sa tindahan at binigyan pa ng sukli, “ dagdag pa ni Marcoleta.

Maliban sa tax avoidance scheme, tinalakay din ni Congressman Marcoleta ang mga kaso ng Kapamilya network sa mga manggagawa nito. Pati ang paninigil ng ABS-CBN para sa kanilang TV Plus Black Box at Kapamilya Box Office Channel ay pinuna din ng kongresista.

Lumaktaw sa 21:50 mark ng video para mapanood ang pagbubunyag ni Cong. Marcoleta tungkol sa tax avoidance na ginawa ng ABS-CBN.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén