Local News

Panoorin: “Bakit ‘Di mo Ikumpara ang Anti-Drug Stats ng Aquino Govt?” Leni, Butata kay Cayetano

May sagot si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga boladas ni Vice President Leni RObredo na ang anti-drug campaign ng Duterte Administration ay “massiv failure” at “1 out of 100”.

“Failure talaga siya… Isipin na lang natin kung exam ito, ang magiging score ng ating pamahalaan ay 1 over 100… Kung gusto talaga nating tapusin ang salot ng mga iligal na droga, mga malaking supplier at hindi lang ang maliit na pusher ang kailangan nating habulin… Sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga,” patutsada ni Vice President Robredo.

Sa panayam ng mga miyembro ng media kay Cayetano, sinabi nito na hindi patas ang naging assessment ni RObredo sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Banat ng mambabatas, bakit hindi daw ikinumpara ni Robredo ang nagawa ng kasalukuyang administrasyon sa Aquino Government pagdating sa paglaban sa illegal drugs.

“Hindi naman niya kinompare yung dami ng huli ngayon sa dami ng huli noong past administration. Hindi niya kinompare yung dami ng drug operation ngayon sa dami ng drug operation dati. Hindi niya kinompare yung dami ng patay during the Aquino administration at ngayon,” sabi ni House Speaker Cayetano.

“So kung sasabihin niya na palpak ang drug war, anong tawag mo doon sa dating administrasyon? Ultra palpak o kapalpak-palpakan?” dagdag pa ni House Speaker Cayetano.

Source: GMA News | Alan Peter Cayetano

Leave a Reply

Theme by Anders Norén