Local News

‘Bakit di kayo ang Magbigay sa Jeepney drivers ng Modernisasyon?’ ABS-CBN Actor Enchong Dee, Binanatan ang Govt

Nakisawsaw ang ABS-CBN talent na si Enchong Dee sa naging sagutan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago at ni Bayan Secretary General Renato Reyes tungkol sa transport strikes at Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.

Magugunita na sinabi kahapon ni Reyes na ang jeepney strikes ay para maiparating sa pamahalaan ang mga isyu ng mga drivers. Naniniwala din si Reyes na nagtagumpay ang naging tigil-pasada.

“A strike aims to disrupt in order to call attention to an issue. The fact na nagsuspinde ng pasok dahil may disruption, ito ay tagumpay na ng transport groups. Hindi ata nauunawaan ng MMDA ang layunin ng isang strike,” boladas ni Reyes.

Buwelta naman ni Pialago, hindi nakikita ng mga militanteng grupo ang magandang ginagawa ng gobyerno at puro reklamo ang pinag-aatupag ng mga ito. Namihasa na rin daw ang mga militante na ang gobyerno ang nag-a-adjust sa kagustuhan nila.

“Depsite the good intetions of the government, puro reklamo lang ang kaya ninyong gawin. Nasanay kayong gobyerno ang nag-a-adjust sa lahat ng reklamo niyo particularly dito sa PUV modernization program. You can never threaten the government,” buwelta naman ni Pialago.

Ang jeepney modernization program ay ilan sa mga pangunahing programa ng Department of Transportation (DOTr). Layon nito na mabigyan ng mas maayos, ligtas at kumportableng transportasyon ang mga Pilipino at mabawasan ang toxic emissions sa pamamagitan ng mga Euro 4 Standard engines na gamit ng makabagong jeepney.

Sa kanyang social media account, bumoladas ang aktor na si Dee at naglakip ng litrato kung saan makikita ang mga salitang “the state of metro manila traffic” at may linya na nakaturo kay Pialago.

“Mamamayang Pilipino na naman mag-a-adjust? Why not provide for the jeepney drivers’ modernization…,” patutsada ni Dee.

“if the govt finds it expensive, how much more the jeepney drivers?” ani pa ni Dee.

Source: News5 | Enchong Dee’s Twitter

Leave a Reply

Theme by Anders Norén