Local News

‘Hindi kami Magbabayad ng Danyos sa Biktima! Walang Kasalanan Asawa ko!’ – Ex-Mayor Sanchez’s Wife

“Bakit kami magbabayad e walang kasalanan ang asawa ko,”

Ganito ang naging pahayag ni Elvira Sanchez, asawa ni former Calauan Mayor Antonio Sanchez sa pagdinig sa senado tungkol sa kautusan ng Korte Suprema na bayaran ng P12.6-million ang mga kaanak ng biktima ng kanyang asawa.

Nanindigan din si Elvira na kasama raw nila ang kanyang mister noong petsa kung kailan napslang ang dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Banos (UPLB).

“Actually wala kami talaga kaming intensyon. Kasi po nagsasabi ako ng totoo, ‘yung sinasabi nilang araw at petsa na nirape at pinatay si Eileen Sarmenta at pinatay si Allan Gomez, nasa amin ang asawa ko, kasama ang anak ko,” sabi pa ni Elvira

Sa parehas na pagdinig, sinabi naman ni Elvira na walang naging deal sa pagitan nila at ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon. Sinabi rin ni Evira kay Senator Dick Gordon na Wala rin daw silang inabot na kahit ano kay Faeldon. Nagsabi lang daw si Faeldon ng tantiyang 2 buwan para sa makalaya si Sanchez kung sakaling ma-avail nito ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) LAW

Dati nang isiniwalat nni Faeldon na nakipag-pulong siya sa kaanak ni Sanchez pero itinanggi nito na nabigay siya ng kasiguraduhan na makakalaya ang dating alkalde na na-convict sa pagpaslang kina Gomez at Sarmenta.

Samantala, kanina lang ay lumabas sa mga ulat na ni-refer diumano ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang hiling na executive clemency ng pamilya ni Sanchez sa Parole Board. Si Panelo ang naging abogado ni Sanchez.

Sa kanyang press briefing kanina, nilinaw ni Panelo na hindi siya nangialam sa kaso ni Sanchez at wlang siyang inirekomendang executive clemency.

“There is no part of this representation’s official communication asking for intervention. The referral letter speaks for itself… I never recommended anything,” paliwanag ni Panelo.

Source: GMA News | ABS-CBN | Office of the Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén