Local News

“Bakit Ipapasa sa akin?” Sagot ni Leni sa Hamon ni DU30 na maging Drug Czar!

Nitong nagdaang araw ay bumuwelta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa pamumuna ni Vice President Leni Robredo sa kampanya kontra-droga ng administrasyon. Magugunita na sinabi ni Robredo sa isang panayam sa foreign press na dapat na daw itigil ang giyera kontra-droga dahil palpak ito.

Hamon naman ng Pangulo, aalukin niya raw na maging drug czar si Leni at bibigyan niya ito ng 6 na buwan upang masolusyunan ang problema sa droga sa bansa.

“Ibigay ko sa Vice President. Ibigay ko sa kanya mga six months. Siya ang magdala. Tingnan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige. Ikaw. Subukan mo. Madali kasi mag.. I’ve been 21 mayors, hindi mo na ako maloko nang ganoon…. No, I do not surrender anything. I’ve said if you want, I can commit you there to be the drug czar. Maraming masyadong reklamo doon sa labas.. sige,” resbak ng Pangulo.

Boladas naman ni Robredo, bakit daw ipapasa sa kanya kung matagumpay ang anti-drug campaign ng pamahalaan. Ang gustong mangyari daw ni Pangulong Duterte ay tila pag-amin na palpak ang giyera kontra-droga.

“Kung walang failure, bakit ipapasa sa akin? ‘Di ba? Kasi ipapasa mo lang ang isang bagay kapag hindi mo na kayang gawin. Kung hindi— Kung successful kasi siya, hindi kailangang ipasa, kasi wala nang ipapasa, eh. Kasi nagawa mo na. Pero kung ipapasa mo sa iba, hindi ba admission iyon na ang dami pang kailangan gawin,” palusot ni Robredo.

Gusto pang palabasin ata ni Robredo na napipikon si Pangulong Duterte sa mga pamumuna niya.

“yong dating kasi sa akin, parang napikon. Pero iyong pagkapikon— iyong pang-iinsulto na from the very start ginagawa na sa akin. Pero iyong sa akin, hindi ko siya… hindi ko siya pag-aaksayahan ng energies,” patutsada pa ni Robredo.

Ayon anman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pagkakataon daw ito ni Robredo para patunayan ang abilidad nito.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: