Local News

“Konektado ba si Leni sa Mexican Drug Lord?” DFA Secretary Locsin, Rumesbak kay Robredo!

Sa kanyang panayam sa foreign media, nagpatutsada si Vice President Leni Robredo tungkol sa ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na gamot. Para kay Leni, ang anti-drug campaign ng gobyerno ay dapat nang itigil dahil hindi naman daw nagtatagumpay.

“We ask ourselves, ‘why is this still happening?’. The president has already made very serious threats to drug syndicates, to drug lords … and yet it’s still very prevalent, so obviously, it’s not working,” boladas ni Robredo.

Dahil sa bagong banat ni Leni, hindi napigilan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy “Boy” Locsin na kuwestiyonin ang naging pahayag ng bise presidente. Tanong pa ni Locsin, konektado daw ba si leni sa mexican drug lord na si El Chapo para malaman nito na palpak at hindi gumagana ang kampanya kontra-droga ng administrasyon.

“How does she know it isn’t working? Is she in touch with… El Chapo? Who else can tell the war’s going well or badly?” resbak ni Locsin.

Para kay Locsin, kung sa tingin daw ni Leni ay talo ang pamahalaan, dapat daw na lalong ipagpatuloy ang laban sa droga at hindi dapat sumuko.

“I wanted to make a case for declaring victory but she says it’s a clearly a defeat. So clearly we must fight on. Never say surrender; just go on saying die.” dagdag pa ni Locsin.

Magugunita na noong 2017 ay iminungkahi ni Leni na i-decriminalize ang paggamit ng droga at pag-aralan ang ginawa ng Portugal.

“One of those is Portugal. What did Portugal do? Portugal found a system to combat drugs that was peaceful and orderly. They reformed their laws; they strengthened rehabilitation [of addicts]; they fixed their institutions responsible for rehabilitating… They were triumphant,” sabi ni Leni.

Dahil sa ipinanukala ni Leni noong panahon na iyon, nakatikim din ito ng resbak mula kay Locsin.

Source: DFA Secretary Locsin | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén