Local News

Bakit Walang ‘Stop The Killing’ pag NPA ang Pumapatay? – Atty. Irasga

Nitong pag-uumpisa ng linggo ay ginulantang ng isang viral video ang mga netizens. Sa nasabing footage ay makikita ang off-duty na pulis na walang pakundangang binaril ang kapitbahay na mag-ina. Ang alitan ay nag-ugat sa pagpapaputok ng boga ng isa sa mga biktima. Base naman sa ilang ulat, matagal na raw may iringan ang dalawang panig dahil sa lupa.

Agad naman sinakyan ng ilang personalidad mula sa politika, showbiz ang isyu. Kaniya-kaniyang pauso sila ng hashtag sa social media upang kundinahin ang kundinahin ang suspek. Ang iba naman, tulad ng mga miyembro ng Makabayan Bloc, ay ginagalit ang mga tao upang isisi sa gobyerno ang krimen. Ang ilan naman ay nilalahat ang kapulisan.

Hindi tuloy maiwasan ng andagong si Atty. Matt Irasaga na kuwestiyunin ang paandar sa social media kaugnay sa Tarlac shooting incident. Sa kaniyang social media account, tinaong niya kung bakit pag ang New people’s Army (NPA) ang pumapatay ay walang kumokondena.

“Bakit walang #StopTheKillings PH ‘pag may pinatay ang NPA?” banat ni Atty. Irasga.

Ang resbak ni Atty. Irasga ay may punto dahil ang mga ngumangawa ngayon tungkol sa nangyaring pamamaril sa Tarlac ay tahimik ‘pag ang ang mga rebeldeng komunista ang naghahasik ng lagim.

Magugunita na noong Nobyembre 2017 ay napatay ng mga NPA ang isang 4-buwang sanggol nang tambangan nila ang mga pulis.

Narito ang ulat mula sa Sunstar.

“A four-month-old baby girl on board a sports utility vehicle with seven of her kin died after she was hit by stray bullets when the police vehicle they were coincidentally following was ambushed by New People‚Äôs Army (NPA) rebels in the village of Tikalaan, Talakag town, Bukidnon, on Thursday, November 9.

Authorities identified the baby girl as Machorao Malysha of Kili-Kili, Wao town in Lanao del Sur. A policeman, identified as Senior Police Officer 3 (SPO3) Arnel Carillo, was also killed in the ambush.
Police said Malysha sustained a lone gunshot wound on her forehead while others sustained gunshot wounds on the different parts of their bodies.”

Source: Atty. Matt Irasga | Archive | Interaksyon | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén