Local News

Balik Gobyerno na ang Frequency ng ABS-CBN, ayon sa Ret. Journalist

Viral ngayon ang social media post ng kilala at retiradong mamamahayag na si Jay Sonza. Sa kanyang Facebook post kasi ay sinabi niya na ang frequencies ng ABS-CBN Broadcasting Corporation ay bumalik na sa pamahalaan. Ang nawalang frequency daw ng istasyon ay pwede na rin daw bilhin ng mga interesadong grupo.

“Wala ng babalikan pang channel 2. channel 23. 630 kHz AM. 101.9 FM at iba pang dating free to air frequencies ang abs-cbn broadcasting corporation.

Lumampas na ang taning na sampung (10) araw na palugit ng NTC.

Balik gobyerno na. Open for application to other interested franchise holders.

But if they are granted a new franchise, they can always apply for an allocation of free to air radio and TV frequencies.

Not to worry. Marami pa namang bakante sa UHF (example: channels 119.120 TV at upper AM & FM band (example: 1580 khZ & 107.9 mHZ)” sabi ni Sonza.

Umani ng libo-libong reaksyon ang naging pahayag ni Sonza at habang isinusulat ang artikulo na ito ay pumalo na sa lagpas 1,300 ang nagbahagi ng post ng dating mamamahayag.

Sa hiwalay na social media post, tinawag pa ni Sonza na bratinela ang Kapamilya network dahil sa hindi umano pagsagot ng ABS-CBN sa Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunication Commission (NTC).

“The ‘Bratinela’ network missed it’s chance, the second time around.

first, they allowed their franchise to expire. they had all the time in the world to renew it, but did not.

second, all their free to air frequencies are reverted back to the state, 10 days after NTC issued a CDO.

The Supreme Court did not grant them a TRO. Plus the 10 day reglamentary period had lapsed.” banat pa ng dating mamamahayag.

Magugunita na inatasan ng NTC ang Kapamilya network na huminto sa pagsasahimpapawid noong ika-5 ng Mayo dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito.

Source: Jay Sonza | Archive | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: