Local News

Bam, Kinontra ang Hakbang ni PDU30 na Dagdag Militar sa Iba’t Ibang Lugar!

Kamakailan lang ay naglabas ng Memorandum Order 32 ang Palasyo para dadagan ang pwersa ng mga miltar at kapulisan sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region para sugpuin ang “lawless violence”. Layon ng memorandum na magtulungan ang Armed Forced of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) at iba pang law-enforcement agencies para sa mas maigting na operasyon laban sa mga kawatan ng lipunan.

Ang mabuting hakbang na ito ng gobyerno ay agad inalmahan ni Senador Bam Aquino. Ayon sa senador, hindi daw basta-basta ang pagdaragdag ng tauhan ng PNp at AFP sa ilang lugar sa Visayas at Southern Luzon dahil karaniwan daw nagkakaroon ng active violence.

“Hindi basta-basta ang pag-de-deploy ng military sa iba’t ibang lugar, Gaya ng dati, ang boto ko sa martial law na dapat itigil na ito, kasi ang pag-de-deploy usually may active violence na nangyayari,”Sabi ni Bam.

Hindi naman pinalampas ng ilang kababayan natin ang pagkontra ni Bam sa mabuting hakbang ng gobyerno.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén