Local News

Bandalismo, Dinepensahan Gamit ang Bibliya ni Former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño!

Sa mga serye ng social media post, dinepensahan ng aktibista at former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño ang bandalismo. Pagsasalita nyia pabor sa bandalismo ay sabay sa isyu ng pambababoy ng leftist group na Panday SIning sa bagong linis na underpass sa Maynila.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Casiño na ang isang bandalismo na maganda ang pagkakagawa ay maituturing na sining o art.

“Vandalism, done nicely, is art” ayon kay former Bayan Muna Congressman Casiño.

Sa hiwalay naman na social media post, bumoladas ang dating kongresista sa mga nagagalit sa bandalismo pero tahimik sa anti-drug operations ng Duterte Government.

“Yung galit na galit ka dahil nadungisan ng pintura yung pader pero tahimik naman nung matalsikan ng dugo ng pobreng na-tokhang,” boladas ni dating kongresista.

Sa pinakahuling niyang post a gumamit na ito ng nilalaman ng Bibliya.

“Vandalism ba kamo? Alam n’yo bang panahon pa ng Old Testament kinakatakutan na ng mga nasa kapangyarihan at abusado ang “The writing on the wall”? Nasusulat sa Daniel 5: Tinimbang ka ngunit kulang kayat nalalapit na ang iyong pagbagsak,” sabi pa ni Casiño.

Dahil sa bagong boladas ni Casiño, inulan na naman ito ng batikos mula sa netizens.

Magugunita na nagsalita na ang ilang opisyal ng gobyerno tungkol sa pambababoy ng mga leftist group sa underpass.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo,” sabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

“Hindi na nga kayo nakakatulong, huwag na sanang mamerwisyo pa ng iba… While we respect the rights of these organization to express their views and opinion, that right is not absolute. Ang karapatan ay may hangganan at kaakibat na responsibilidad,” banat naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.

Source: Teddy Casino | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén