Local News

“Bandalismo na Ginawa nang Tama ay Sining!”- Former Bayan Muna Congressman

Nitong mga nakalipas na araw ay naging laman ng balita ang ginawang pambababoy ng isang grupo ng aktibista sa bagong linis na underpass malapit sa Manila City Hall. Dahil dito ay inulan ng batikos ang leftist artgroup na Panday Sining.

Humantong pa ito sa pagbabanta ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso” na ipadidila niya sa mga aktibista ang mga pader na diunimihan nila.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo… The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan e,” banat ni Mayor Isko sa mga aktibista.

Naglabas na rin ng pahayag ang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginawang pambabalahura ng mga aktibista sa public property.

“Hindi na nga kayo nakakatulong, huwag na sanang mamerwisyo pa ng iba… While we respect the rights of these organization to express their views and opinion, that right is not absolute. Ang karapatan ay may hangganan at kaakibat na responsibilidad… With the advent of social media, vandalism like this has directed attention to the obnoxiousness of their method rather than the meaning of their message,” resbak ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Kung ang mga opisyal ng gobyerno ay kinukundina ang pagsalahula sa underpass, ang dating kongresista ng Bayan Muna na si Teddy Casiño ay nag post sa kanyang social media account tungkol sa bandalismo. Ayon kay Casiño, pag ginawa daw ng tama ang bandalismo, ito raw ay matatawag na sining o art.

Binanatan naman ng mga netizens ang mga pinagsasabi ni Casiño.

Source: Teddy Casiño’s Twitter Account | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: