Local News

Bangkay ng Estudyanteng naging NPA, Natagpuan Matapos ang 3 Taon!

Lumipas ang 3 taon bago narekober ang labi ng isang New People’s Army (NPA) sa isang mababaw na libingan sa Sitio Kapanisuwan, Barangay Bitag Grande.

Natagpuan ng mga sundalo at pulis ang bangkay ni Justine Bautista, alias Aira nitong Enero 23. Si Ka Aira ay dating estudyante ng Cagayan State University. Dating din itong kasapi ng Kabataan Party List at ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Nagsilbi si Ka Aira bilang medical officer at political guide ng Northern Front Region-Cagayan Valley Committee ng mga NPA.

Ayon sa impormante, madalian daw na inilibing ang labi ni Ka Aira matapos itong maasawi sa enkwentro ng militar at ng NPA noong Hunyo 25, 2017.

Ibinunyag naman ni Division Public Affairs Office Chief Maj. Jekyll Julian Dulawan na ang nanay daw ni Ka Aira ay isang ring napatay na amasona at asawa ng isang Edgar Edra Bautista, na kumander ng hukbo ng NPA.

“Dahil sa mga lumalabas na kwento na may mga nawawalang bata/estudyante nakonsensiya ang dating rebelde kung pano nila basta nililibing mga kasamahan nila… Kaya siya ay nagbigay ng impormasyon regarding dito para malinawan ang mga tao sa totoong nangyayari sa mga kagagawan ng CPP-NPA,” sabi ni Dulawan.

Source: Manila Bulletin | DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén