Local News

Litrato ng Bangkay ng NPA na Anak ni Bayan Muna Congresswoman, Pinatatanggal ng Makabayan Bloc sa Websites ng Gobyerno!

Gustong ipatanggal ng Makabayan Bloc ang mga larawan ng labi ni Jevilyn Cullamat, anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, sa lahat ng websites ng gobyerno.

“The soldiers did not only disrespect her remains but even used it like a trophy for propaganda purposes.

Jevilyn’s death is a stark reminder intead to government that people continue to embrace armed struggle because of the continuous failure to address the root causes of the rebellion in our country,” boladas ng Makabayan Bloc.

Ganito din ang personal na opinyon ni Rep. Cullamat sa nangyari.

“Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar… Hindi n’yo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay nga aking anak… Bagama’t bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev,” boladas ni Cullamat.

Si Jevilyn ay nasawi matapos makibakbak ang kaniyang mga kasamahang rebelde sa mga kasundaluhan. Ayon sa ilang ulat, iniwan na lang ng mga NPA si Jevilyn na umatras ang mga ito.

Narito po ang reaksyon ng ilang netizens sa gustong mangyari ng Makabayan Bloc.

“Approved po yan hinaing nyo makabayan bloc bilang respeto doon sa naulila,pero hiling din ng taong bayan na mag si resign na kayong lahat na membero ng makabayan bloc,confirm na kayo tlga ay accessories ng mga NPA,syang ang pondo na nilaan para sa inyo pero binababoy nyo ang congreso.” – C. Aleria

“Dapat di tanggalin para magsilbing aral sa mga kabataan na ang armed struggle sa pamahalaan ay di solusyon sa kanilang ipinaglalaban. Sa halip ito ay maagang kikitil sa kanilang buhay at sisira sa kanilang magandang kinabukasan.” – J. Pambuan

Source: News5 | Sunstar | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén