Local News

Bansang Iceland, Niresbakan ni Pangulong Duterte dahil sa Human Rights Probe!

Hindi pinalagpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansang Iceland dahil sa resolusyon na pinangunahan nito laban sa ginagawang kapanya kontra-droga ng Duterte Government.

“Anong problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem, you have too much ice, and there is no clear day or night there… You can understand no crime, there is no policeman either and they just go about eating ice,” banat ni Presidente Duterte.

Ayon sa Presidente, hindi naiintindihan ng Iceland ang problemang kinakaharap ng Pilipinas.

“Itong mga g*go, you don’t understand the social, economic, political problems of the Philippines,” resbak pa ng Pangulo.

Sa naganap na botohan noong Huwebes, 18 nabansa ang bumoto pabor sa imbestigasyon laban sa kampanya kotnra-droga ng pamahalaan ng Pilipinas. 14 ang hindi pabor habang 15 ang nag-abstain.

Ang bumoto pabor sa imbestigasyon ay ang mga bansang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Crotia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Peru, Mexico, Slovakia, Spain, Ukraine, UK at Uruguay.

Ang mga hindi naman sang-ayon ay Bahrain, Cameroon, China, Cuba, Egypt, Eritrea, Hungary, India, Iraq, Philippines, Qatar, Saudi Arabia at Somalia.

At ang mga nag-abstain naman ay Bangladesh, Brazil, Burkina Faso, Chile, Congo, Japan, Nepal, Nigeria, Pakistan, Rwanda, Senegal, South Africa, Togo at Tunisia.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang resolusyon na Iceland ay ginagait lang para ipahiya ang Pilipinas.

Sa panayam naman ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo kay dating Presidential Spokesperson at abogadong si Harry Roque, sinabi nito na walang pangil ang resolusyon ng Iceland.

“Unang-una ay hindi dapat pag-aksayahan ng panahon iyan. Bakit? Ang human rights po ay wala naman talagang kapanyarihan iyan. Iyan po ay hindi husgado. Hindi gaya ng ICC na puwedeng magpakulong. Ang katungkulan lamang niyan ay i-monitor kung talgang tumutupad sa kanilang katungkulan bilang mga kaparte sa tratado na nagsusulong ng karapatan pantao at iba’t-ibang bansang miyembro ng United Nation. Wala pong mabigat na ibig sabihin iyan,” sabi ni Roque.

Source: ABS-CBN | GMA News | News5 | Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén