Local News

Bantag, Pinasisibak Dahil sa Korapsyon ng mga Tauhan ng BuCor?

Sa isang anonymous open letter, hiniling ng mga nagpapakilalang opisyal at empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin na si BuCor Chief Gerald Bantag dahil daw sa korapsyon at pag-abuso nito sa kapangyarihan.

Ayon sa grupo, ito na raw ang magiging pinakamagandang pamasko ni Pangulong Duterte para sa kanila.

“This will be your greatest Christmas gift to BuCor, Mr. President, Sir!” sabi sa open letter.

Banat pa ng grupo, nasaktan daw sila nang akusahan ni BuCor Chief Bantag ang halos “95%” ng mga empleyado ng BuCor ng pagiging kurakot kahit wala daw itong ebidensiya. Palagi din daw sila minu-mura ni BuCor Chief Bantag tuwing may mga pagpupulong sila.

“keeps on cursing BuCor officials and employees and displays unprofessional and unethical conduct” boladas pa ng grupo.

Ayon kay BuCor spokesperson Col. Gabriel Chaclag, titignan daw nila ang mga alegasyon ng grupo pero minaliit ang akusasyon ng grupo..

“(We) would look into the group’s claims… disgruntled [BuCor] officers who were relieved from their posts… The mere fact that they did not identify themselves make their claims questionable,” sabi ni Chaclag.

Magugunita na nang maging BuCor Chief si Bantag noong Oktubre ay dinala nito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga pinagkakatiwalaang mga tauhan upang linisin ang ahensiya.

Isa sa mga malaking hakbang na ginawa ni BuCor Chief Bantag ay noong pinagwawawasak nito ang mga kubol at mga iligal na istruktura sa loob ng piitan kung saan nangyayari daw ang mga iligal na transaksyon. Pinangunahan rin nito ang mga malalaking raid upang makumpiska ang mga kontrabando mula sa mga preso.

Source: Inquirer | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén