Local News

Bantang Martial Law ni PDU30 laban sa NPA, Inalmahan ni Renato Reyes!

Sa gitna ng pagpapatupad ng pamahalaan ng enhance community quarantine (ecq) para malabanan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19), may lumabas na ilang ulat tungkol sa ginagawang kabalbalan ng New People’s Army (NPA) sa panahon ng health crisis.

Naging laman ng ilang news articles ang pagpatay ng mga NPA sa mga sundalo tumutulong sa covid-19 relief efforts. Naiulat din ang pagnanakaw at pagharang ng mga ito sa ayuda na ipagkakaloob ng gobyerno sa taumbayan.

Kaya kaninang umaga ay nagbanta na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na posible siyang magdeklara ng Martial Law kung ipagpapatuloy pa rin ng mga rebeldeng komunista pananamantala. Nagbanta din si Pangulong Duterte sa mga legal fronts ng mga komunista.

“Maybe I will declare martial law. Ikaw na NPA, numero uno, hinaharang ang tulong sa tao, pati supply ng pagkain nila. Kaya I’m now warning everybody and putting notice sa AFP pati pulis. I might declare martial law and there will be no turning back kung ano ang martial law na klase na gagawin ko… Pati kayong mga legal magtago na kayo. Huwag ninyong sabihin p****** i** na wala kayong… You know, you’re a b***s***, you’re the legal fronts. Sa inyo kumukuha kayo ng pera. Ang mga negosyo dito na malalaki sa Pilipinas, nagdedeposito ng pera ‘yan sa bangko, sa account ninyo. Kinukuha ninyo ‘yan. Iyan ang totoo diyan kaya nabubuhay ‘yang NPA. Pati pa ‘yung extortion niyo doon sa labas,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public address.

Inalmahan naman ng leftist personality na si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes ang naging pahayagni Pangulong Duterte.

“The biggest problems right now under ECQ are mass testing, social amelioration, the economic slow down and the assaults on human rights, as what happened in the fatal shooting in Quezon City. Why devote so much airtime on the NPA and Martial Law?” boladas ni Reyes.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén