Local News

Bantang Pagkansela ni PDU30 sa VFA, Binatikos ni Bayan Muna SecGen Renato Reyes!

Kamakailan lang ay lumabas sa ilang media outlets ang ulat tungkol sa kanselasyon sa US visa ni senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

“Yes. They (US government) officially answered my official query… No date given basta mag-apply lang daw ako uli kung gusto ko kasi the present visa was canceled,” sabi ni Senador Bato.

Base sa ilang ulat, maaaring may kaugnayan ito sa pagiging bahagi ni Senador Bato sa anti-drug campaign ng Duterte government na mariing tinututulan ng ilang human rights groups.

Kahapon ay nagsalita na ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isyu at nagbanta sa Estados Unidos na ibabasura niya ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi aayusin ng pamahalaan ng Amerika ang ginawa kay Senador Bato.

“I am warning you kapag hindi ninyo ginawa ang correction diyan (if you don’t issue a correction) I will terminate the Visiting Forces Agreement… Tapusin ko iyan p*t*ng*n* iyan (I will end that). I am giving notice and they begin to count. I am giving government and the American government one month from now,” resbak ni Pangulong Duterte.

Ang VFA ay kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na kung saan pinapayagan pumasok ang mga Amerikanong sundalo sa ating bansa. Sa Mutual Defense Treaty na nakapaloob dito ay dedepensahan ng bawat bansa ang isa’t-isa kung sakaling mayroong kalaban na umatake.

Ang naging hakbang ni Panguloong Duterte ay binatikos ni Bayan Muna Secretary General Renato Reyes.

Boladas ni Reyes, pinababaw daw ni Pangulong Duterte ang kanilang ipinaglalaban noon pang 1999. Hindi raw kasi “bargaining chip” ang VFA para maibalik kay Senador Bato ang US visa nito.

“The termination of the VFA is a serious matter. We have fought for it since 1999. It is NOT a mere bargaining chip to get Bato back his US Visa. The termination of the VFA is needed because it is an affront to our national sovereignty. Wag i-trivialize ang usaping ito,” patutsada ni Reyes.

Source: News5 | Inquirer | ABS-CBN | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén