Local News

Banyagang Arogante na Umalipusta sa Pulis, OVERSTAYING pala sa Pilipinas!

Kahapon ay kumalat ang video footage ng isang dayuhan na nambabastos at nagmumura ng pulis at kalaunan ay inaresto ng otoridad.

Kinilala ang banyaga na si Javier Parra na residente sa isang marangyang village sa Makati. Ang pulis na umaresto sa kanya ay nakilala naman na si Senior M/Sgt. Roland Madrona.

Nadiskubre ngayon ng Makati Police na si Parra ay isang overstaying na foreigner.

Nagbigay naman ng pahayag si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ukol sa insidente. Ayon sa kalihim, suportado ng kanyang ahensiya ang naging hakbang ni Senior M/Sgt. Madrona.

“Suportado natin yan, the police did the right thing,” sabi ni DILG Secretay Año.

Inalmahan din ni Sec. Año ang pagpapalabas ng putol na video ng kumprontasyon sa pagitan ng dayuhan at ng pulis. Kaya ang kapulisan na ilabas ang sarili nilang footage. Ayon sa kalihim, kakasuhan nila ang nasabing banyaga.

“Nilabas nila sa media pagkatapos pinalabas na masama ang pulis eh di syempre ilabas na natin ang katotohanan ayoko namang mapapasama ang mga pulis natin… I will make sure that charges (will be) filed against that irresponsible person… Kasama sa magpa-file si barangay chairman at witness. Dun maraming statement, walang galang sa pulis, wala talagang ginawang violation ang pulis,” sabi pa ni Sec. Año.

Nanawagan naman si Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa publiko ng pang-unawa sa isinasagawa community quarantine. Giit pa ng heneral, pwede silang panagutin bilang public servant kung sakaling may umabuso.

“On our part, we are always accountable for our actions as public servants. We are living in an extraordinary time under the threat of a global pandemic, so we ask the public to bear with your PNP, your government as stricter rules are being implemented to ensure your safety, our safety,” sabi ni Lt. Gen. Eleazar.

Source: ABS-CBN | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: