Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Baril na Pang Self-Defense ni Erwin Tulfo, Ipinasu-Surrender ng PNP!

Wala pang isang linggo matapos i-pull out ng Philippine National Police (PNP) ang security escorts ng mga magkakapatid na Tulfo, ipinasu-surrender naman ng PNP ngayon ang armas ni Erwin Tulfo na gamit nito pang self-defense.

Magugunita na sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na isa sa mga rason kung bakit inalis ang security escorts ng magkakapatid ay dahil sa labis na pagbatikos ni Erwin kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

“Sino bang maniniwala sa amin kung sasabihin namin na walang kinalaman iyon (pag batikos ni Tulfo kay Baustista)?” sabi ni Albayalde.

Humingi na ng paumanhin si Erwin sa sobrang pagbatikos nito sa kalihim ng DSWD.

Ayon sa kapulisan, paso na raw ang lisensiya ng baril ng mamamahayag kaya ito ipinasu-surrender.

“The Philippine National Police has ordered for the recall or temporary safekeeping of the firearms of Erwin Tulfo in as much as the License To Own and Possess Firearms of Mr. Erwin Tulfo has already expired… If the LTOPF is already expired, then there is no more reason for an individual to keep firearms even if these firearms are still valid, if the licenses are valid. They need to be surrendered for temporary safekeeping,” sabi ni PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac

Nilinaw naman ng PNP na kay Erwin lamang ang ipinasa-sauli, ang mga armas ng mga kapatid nito ay balido pa rin.

Ilang araw bago ilabas ng PNP ang pahayag sa pagpapa-surrender sa baril ni Erwin, nagsalita na ang kapatid nito na si Raffy. Ayon kay Raffy, sobra at labis na ang ginagawa sa kanyang kapatid. Sabi pa ni Raffy, may banta sa buhay ng kapatid niya dahil sa pagbanat sa mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: ABS-CBN | GMA | INQ | ANC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén