Local News

Basagan ng Mukha! Coco Martin, may Banat sa mga ABS-CBN Bashers!

Hindi na talaga papipigil pa si Coco Martin sa pag-resbak sa mga bashers ng ABS-CBN matapos isyuhan ng cease and desist order ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Kapamilya Network nitong ika-5 ng Mayo. Sinabihan ni Martin ang kapwa artista na si Kim Chiu na ‘wag daw matakot sa mga bumabatikos sa ABS-CBN at handa na daw silang makipag-basagan ng mukha.

“Sige Kim, nasa likod mo kami. ‘Wag kang matakot sa mga ‘yan. Puro lang satsat ang mga ‘yan. Wala na tayong trabaho, pwede na tayong makipag-basagan ng mukha,” sabi ni Martin.

Ayon kasi kay Chiu, hindi daw niya ititikom ang bibig patungkol sa pinagdadaanan ng kanilang ng istasyon.

“Hindi na sapat ang manahimik lang sa sitwasyon ngayon. Oo, hindi ako graduate ng law. Pero nagsikap ako marating kung nasaan ako ngayon. Dahil ‘yun sa kumpanyang ito na handang tumulong sa bawat Pilipino,” ani Chiu.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na binasag ni Martin ang kanyang katahimikan patungkol sa franchise isyu ng ABS-CBN. Maguugnita na noong Pebrero ay pinangunahan niya ang ang vigil ng mga empleyado ng Kapamilya network.

“Hindi hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa amin ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala ng lang nang bgila,” banat ni Coco noong Pebrero.

Sa hiwalay na social media post, sinabi ni Martin sa mga bashers ng dos na ‘wag manood ang mga ito ng kanyang programa dahil sisipain o sasapkin niya ang mga ito.

Pinatamaan din niya ang mga nanunungkulan sa gobyerno sa isang pang post.

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” sabi ni Martin.

Source: News5 | ABS-CBN | Archive | Abante | Coco Martin’s Instagram Account | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: