Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘Bastos at Basura ang Bunganga ni Duterte’ – Gabriela


“Talagang dumadapo ang ipis sa basurang bulok, at malinaw na kasama sa dinadapuan nito ay ‘yung may bastos at basurang bunganga gaya ng sa Pangulo.”

Ganito ang isa sa mga naging pahayag ng grupong Gabriela patungkol kay Pangulong Duterte, matapos ang naging komento ng Pangulo kay Bohol Mayor Baja Gallantes, kung saan pabirong pinuri ni Duterte ang aniya’y kagandahan ng alkalde.

“If it were me, why would I break up with you? I will really grab and hold on to your panty if you try to leave me, even until the garter snaps,” saad ni Duterte kay Gallantes.

Ayon sa grupong Gabriela, hindi na umano nila ikinagulat ang naging pahayag ni Pangulong Duterte dahil normal naman daw itong nagsasalita ng mga ganoong bagay, at natural lamang daw na dapuan ng ipis ang isang basurang nabubulok.

Matatandaang sa gitna ng pagtatalumpati ni Duterte sa isang campaign rally sa Bohol nitong Miyerkules nang gabi ay isang ipis ang lumipad at aksidenteng dumapo sa balikat ng Pangulo.

“No wonder the cockroach cozied itself with the President in Bohol as he yet again spewed putrid material- this time flaunting his machismo on Garcia-Hernandez Mayor Tita Baja-Gallantes during a local campaign rally on Wednesday night,” saad ng Gabriela.

Kasabay ng pagbatikos na ito ng Gabriela sa Pangulo, muli ring nanawagan ang grupo sa mga botante na huwag suportahan ang anila’y sinumang opisyal o kandidato na kinukunsinti ang kawalang respeto sa mga kababaihan sa darating na May 13, 2019 elections.

“We, in Gabriela Women’s Party strongly condemn this sick and disgusting display of machismo, infidelity and ethical bankruptcy,” wika ng Gabriela.

“We call on women to make May 13 elections a platform for the resounding rejection of misogyny and macho-fascist leadership. Duterte allies who’d never bat an eye every time the President degrades, humiliates and sexualizes women do not deserve election to public office,” dagdag pa ng Gabriela.

Source:
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén