Local News

Bastos ba? Leftist Congresswoman, Sumingit habang Nagtatalumpati si Cong. Marcoleta!

Habang nagbibigay ng talumpati si Sagip party-list Representative and Deputy Speaker Rodante Marcoleta ay biglaan na lang sumingit si ACT-Teacher Partylist Rep. France Castro. Kinu-kuwestiyon ni Castro ang mga naging pahayag ni Cong. Marcoleta.

Sa isinagawang talakayan tungkol sa ABS-CBN franchise nitong Lunes sa mababang kapulungan, pinaalalahanan ni Marcoleta ang mga kongresista na pro-ABS-CBN na huwag i-discredit ang mga mambabatas na laban sa Kapamilya network.

“Sana po iwasan ang ganoong pananalita. Mabuti sigurong galangin natin ang bawat isa kung paano ko ginagalang ang opinyon nila. Mag galangan po tayo sapagkat in the final analysis only the Supreme Court will have the final say in controversy of the constitutional issue that we are about to tackle today,” sabi ni Marcoleta.

At habang nagsasalita si Marcoleta ay biglang sumingit si Castro. Sinabihan naman ni Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado si Castro na kay Marcoleta ang floor ng kongreso pero nagpumilit pa rin si Castro sa gusto nito.

“Mr. Chair… kasi sa agenda natin wala naman pong nakalagay dito na summarization nu’ng ginawa natin, ‘yun pong sinasabi ni Marcoleta, ni Congressman Marcoleta ay parang sa interpellation niya nalang po niya sabihin, kasi nabigyan na po natin siya ng pagkakataon last time,” boladas ni Castro.

Walang nagawa si Alvarado kundi suspindihin ang sesyon ng ilang minuto.

Makikita na nag-usap si Marcoleta at Castro habang suspendido ang session sa kongreso. Noong itinuloy na ang session ay natapos din ni Marcoleta ang kanyang speech an walang nanggugulo.

Si Marcoleta ay nag-viral sa social media nitong nagdaang mga araw matapos niyang ibunyag sa kongreso ang mga diumano’y paglabag ng ABS-CBN mula sa labor laws, tax avoidance scheme ng kumpanya at ang citizenship ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio Lopez III.

Si Rep. Castro ay inaresto noong Disyembre 2018 dahil sa kasong human trafficking. Kasama niyang inaresto noong panahon na iyon si former Bayan Muna congressman Satur Ocampo.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: