Local News

‘Bastos eh! Gusto niya Masibak? Eh di Sinibak siya!’ – Sec. Panelo!

“Marami ka na ngang missteps, eh ikaw pa ang nagmamalaki,”

Kani-kanina lang ay pumutok ang balita ng pagkakasibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD).

Sa panayam kay Presidential Secretary Salvador Panelo ng blogger na si Byron Cristobal, ipinaliwanag nito ang rason kung bakit sinisante ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Robredo.

Isa daw sa mga dahilan ay ang pakikipag-usap nbi Robredo sa mga opisyal ng United Nation at Estados Unidos imbes na kausapin ang mga biktima ng mga adik.

“Marami siyang missteps. Kinakausap niya ‘yung hindi dapat kinakausap. Sa halip na kausapin niya ‘yung mga kababayan niya. She would have gone to the localities and communities kung ano ang problema nila sa drugs. Ang kinakausap niya ay ‘yung United Nations at mga Amerikano,” sabi ni Panelo.

Sa halip din daw na makipag-usap sa Pangulo tungkol sa posisyon sa ICAD ay panay ang reklamo nito.

“She keeps on complaining about the scope of her authority. Kung gusto niya pa ng ibang powers, sana what she should have done was to seek audience with the President. At humingi pa siya ng kung ano pang gusto niyang kapangyarihan,” ani Panelo.

Pinatulan lang din daw ni Pangulong Duterte ang paghahamon ni opposition senator Francis Pangilinan at Leni.

“Hinihingi ng President ng Liberal Party na si Francis Pangilinan na sisantihin na lang si VP Leni. So pinagbigyan siya ng Presidente. More importantly, it’s VP Leni herself asking the President to fire her… Medyo rude pa nga ang ginawa niya. You don’t talk that way to the person appointing you to the position,” dagdag pa ni Panelo.

Narito na po ang press briefing ni Panelo tungkol sa isyu.

Source: Banat By | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén