Local News

Batang Doktor, Nasawi sa Walang-Hintong Paglaban sa Coronavirus!

Nasawi sa pinaniniwalaang sudden cardiac arrest na sanhi ng ‘exhaustion and overwork’ ang 28-anyos na Tsinong Doktor. Ayon sa artikulo ng Shanghaist, sampung 10 araw daw nagtrabaho si Dr. Song Yingjie para labanan ang pagkalat ng sakit. Si Song ay ang deputy team leader ng isang pharmacy group sa isang pagamutan sa Hengshan county, Hunan province.

Noong Pebrero 3, magpapahainga na si Song matapos ang kanyang shift. Kalaunan ay natagpuan na lang ito na walang buhay ng mga kasamahan niya.

“He was very motivated, hard-working, and he never complained,” sabi ni Yang Dan, kasamahan ni Song sa ospital.

(Si Song ay nasa pangalawa mula sa kanan.)

Sa hiwalay na balita ay nasawi na rin si Dr. Li Wenliang. Si Li ay isa sa mga nag-warning patungkol sa coronavirus. Matatandaang noong huling bahagi ng 2019, nag-post si Li sa isang messaging app patungkol sa 7 pasyente na may karamdaman na itinulad niya sa SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome). Ang mga pasyente ay naka-quarantine sa ospital sa Wuhan at galing sa Wuhan Market, sabi ni Li.

Ang pakamatay ni Li ay kinumpirma ng opsital kung saan ito nakalagak.

“Our hospital’s ophthalmologist Li Wenliang was unfortunately infected with coronavirus during his work in the fight against the coronavirus epidemic… He died at 2:58 am on Feb 7 after attempts to resuscitate were unsuccessful.” sabi ng ospital.

Bumuhos ang pakikiramay sa doktor dahil sa nangyari.

Nagsagawa naman na ng hakbang ang ating gobyerno para hindi maapektohan ng husto ang Pilipinas sa coronavirus outbreak. Nitong Linggo lang ay nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte upang magpaptupad ng temporary travel ban sa mga manggagaling sa Cina. Hindi kasama sa ban ang mga kababayan natin.

“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas… Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina,” ayon kay Senador Bong Go.

Source: Shanghaist | New York Post

Leave a Reply

Theme by Anders Norén