Local News

Batas Kontra-Komunista, Ibabalik ng Duterte Youth Partylist!

Naghain na ang Duterte YOuth partylist ng panukalang batas upang gawin illegal ang Communist Party of the Philippines – National Democratic Front – New People’s Army (CPP-NDF-NPA) at lahat ng mga grupong sumusuporta sa nasabing organisasyon.

Sa house bill 8231 na inihain ng asawa ni Ronald Cardemana na si Rep. Duciella Cardema, gagawing iligal ang panghihikayat at pagtulong sa CPP-NDF-NPA.

Matatandaang nagkaroon din ng ganitong uri ng batas noong 1957, ang anti-subversion law. Naipasa ang naturang batas noong termino ni dating Pangulo Carlos P. Garcia. Noong panahon naman ni dating Pangulo Fidel Ramos ay ibinasura ito bilang peace offering sa mga komunistang rebelde at iba pang subersibong grupo.

Source: PTV | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén