Local News

Batas na ‘Murang Kuryente Act’, Pirmado na ni Pres. Duterte!

Nalagdaan na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11371 o ang“Murang Kuryente Act”. Ayon sa ulat, napirmahan ito ng Pangulo noon pang Agosto 8 pero ngayong lang Martes inilabas ni Senador Sherwin Gatchalian ang kopya nito sa publiko. Si Gatchalian ang nagsulong ng batas sa senado.

Sa naturang batas, kukuha ng bahagi sa pondo ng Malampaya para mabayaran ang pagkakautang ng National Power Corporation (Napocor). Ang utang ng Napacor dati ay ipinapasa sa mga consumer bilang “universal charge”.

Ayon sa senador, kung ang isang customer ay kumukunsumo ng 200kWh kada buwan, umasa daw ito ng P172 na bawas sa kaniyang babayaran.

Isa pa sa napirmahan ng Presidente ay ang Anti-Obstruction of Power Lines Act na naglalayon na maisaayos at mapanatili ang mga transmission, sub-transmission, at distribution lines upang maiwasan ang mga power outages. Ipinagbabawal din sa naturang batas ang pagtatanim ng mga puno na tumutubo ng matataas malapit sa mga power line corridors.

“[W]e will now be able to put in place a mechanism that will allow for the responsive maintenance and rehabilitation of transmission, sub-transmission, and distribution lines, which would prevent outages and ensure continuous supply of electricity,” sabi ni Gatchalian.

Para kay Gatchalian, napapanahon ang pagpirma ng Pangulo sa mga batas dahil sa nararanasang malalakas na ulan ng ating bansa.

Source: ABS-CBN | Inquirer | Darryl John Esguerra

Leave a Reply

Theme by Anders Norén