Local News

Bato, Iimbestigahan din dahil sa Gulo sa BuCor ayon sa Malacañang!

Kasunod ng pagpapatalsik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon sa puwesto dahil umano sa “hindi pagsunod” nito sa order ng Pangulo na huwag i-release ang ilang heinous crime convicts, kailangan din umanong maimbestigahan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon sa Malacañang.

Matatandaang nagsilbing hepe ng BuCor si Dela Rosa mula Abril hanggang Oktubre noong taong 2018 pagkatapos nitong mag-retiro bilang Hepe ng Philippine National Police.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangan din umanong sumailalim sa imbestigasyon si Dela Rosa ukol sa mga nangyari na naging dahilan kung bakit at paano nito nilagdaan ang release papers.

“With respect to Senator Dela Rosa, then that requires an investigation on whatever circumstances that made him sign the release papers,” saad ni Secretary Panelo.

Samantala, nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na sakaling imbestigahan si Dela Rosa ay sigurado raw siyang handa itong isumite ang sarili.

“I am sure. I am sure he would be ready to submit himself,” wika ni Pangulong Duterte.

Naging malaking isyu kamakailan ang pagkakasama ni Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez sa mga bilanggong ipoproseso ang Good Conduct Time Allowance. Inalmahan ng taumbayan ang posibilidad ng paglaya ni Sanchez. Ang dating alkalde ay convicted sa rape-slay case ng dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong dekada nobenta.

Ayon sa ilang ulat, si Sanchez ay nahulian ng droga habang nasa loob ng piitan at nakitang namumuhay ng marangya sa loob ng bilangguan. Ito raw ay dahilan para hindi makasama si Sanchez sa mga preso na may Good Conduct Time Allowance. Depensa naman ni Sanchez, na-dismissed daw ang kasong droga laban sa kanya.

Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo na imbestigahan din sa Bato sa gulo na kinasasangkutan ng BuCor ngayon?

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén