Local News

Bato, Naiyak sa Payo ni Presidente Duterte sa kanya!

Ibinahagi ng bagong halal na senador na si former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang naging pag-uusap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang manalo bilang mambabatas. Ayon kay Bato, inudyukan daw siya ng Pangulo na magsilbi para sa mga Pilipino at hindi para sa Presidente.

“Sir, bago ako mag-assume sa senado, any guidance, any advice, kung ano ang habilin mo sa akin? Alamop kung ano ang sagot ni Presidente sa akin? Bato, you are now a senator of the FIlipino People. You are not a senator of Duterte,” sabi ni Bato.

Maiyak-iyak sa tuwa daw si senator-elect Dela Rosa sa naging payo sa kanya ng Presidente. Ayon pa kay Bato, sinabi daw ng Pangulo na hindi siya mangingialam sa magiging trabaho ni Bato sa senado.

“Gawin mo ang karapat-dapat para sa kapakanan ng taumbayan, hindi para sa akin. Sabi ko napakagaling na wisdom ang ibinigay sa akin ng Pangulo. At sabi pa niya, ‘Hindi kita pakikialaman diya sa trabaho mo. Magtrabaho ka para sa taumbayan, hindi para sa akin’. So para akong maiiyak sa tuwa,”kwento pa ni Bato.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa inilahad ni Senator Dela Rosa.

“Congratulations general bato!and now you are a senator’yes we believe in you and yes we believe that the president says like that to you…I admit my self that my vote 🗳 on May 13 election is in you…god bless senator bato…,” sabi ni J. Marquez.

“Gen BATO, I appreciate your HUMILITY. But, BELIEVE ME YOU ARE BRIGHTER THAN OUR EXISTING SENATORS. CONGRATULATIONS,” sabi ni O. Rigor.

“Congratulations!!! General Bato now Senator Bato…Dreams come True…Actuallly, What The President said to you was Totally Correct, Keep up the good job. God Bless!,” sabi ni A. Abdullah.

Source: UNTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén