Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Bato, Posible din Managot sa Pagpapalaya sa mga Convicts – Lacson

Tinanggal na sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Captain Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagpapalaya sa ilang heinous crime convicts. Ngayon, gusto naman pagpaliwanagin ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kapwa niya mamababatas na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa paglaya ng 120 na preso nang dahil sa good conduct time allowance (GCTA) rule.

Magugunita na si Sen. Bato ang naging BuCor Chief bago maupo si Faeldon.

Ayon kay Lacson, puwede daw managot si Dela Rosa kung mapapatunayan na hindi nasunod ang tamang patakaran sa pagpapalaya sa mga preso sa panahon niya bilang BuCor Chief.

“Kung merong violation sa point of view nung hindi nasunod ‘yung department order, na kailangan may prior approval ng Secretary of Justice, hindi maitatatwa na may dapat ding panagutan or ipaliwanag si Senator Bato,” sabi ni Lacson.

Ang pahayag na ito ni Lacson ay hindi pinalampas ng pro-government lawyer at radio host na si Attorney Bruce Rivera.

“ANO DAW????

So, it has gone to this. Blame General Bato for implementing a law that admits of numerous interpretations that resulted in an IRR that was drafted by Senator de Lima from which the handbook was based.

At dahil mahilig ka magturo, bakit si Sen. Bato ang inuna mo? Bakit hindi mo ituro ang sarili mo na bumoto na maipasa ang RA 10592? Ang House Bill ay napakasimple. Art. 29 ng RPC lang ang binago. Dinagdagan niyo ng provisions na Art. 94, 97, 98 at 99 sa RPC na hindi naman kasama sa Art. 29. Any first year law student will tell you that. Kaya nagulo. Ginulo niyo. At dahil impeachment ni Corona, nawala sa isip niyo basahin ang batas kasi busy kayo papano magpasiklab sa proceedings. Wait. So, walang aamin na nakaligtaan ninyo basahin ang batas kaya naipasa at naging batas “like a thief in the night”. At inutusan ninyo ang SOJ (Leila De Lima) at SILG (Mar Roxas) na gumawa ng IRR pero hindi niyo binago at ang BuCor at warden pa din ang magdetermine ng credits tapos irrevocable pa.

Hala!!! Hindi niyo ba naisip na ang dating CGTA ay 5-10 days pero kayo pinamigay mo to as much as 30 days a month for good conduct…” sabi ni Atty. Bruce.

Source: Inquirer | Atty. Bruce Rivera

Leave a Reply

Theme by Anders Norén