Local News

‘Batukan mo ako? ULOL! Ipasampal pa kita!’ PDU30, Niresbakan si Trillanes!

Kamakailan lang ay pinatutsadahan ni former senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos kuwestiyunin ng presidente ang mga kritiko niya kung ano ang nai-ambag sa bayan.

“Four Trillion ang budget mo, tapos hahanapan mo ako ng ambag? Batukan kaya kita.” boladas ni Trillanes.

Ngayong araw, sa kanyang public address, rumesbak na si Pangulong Duterte sa dating mambabatas at mortal niyang kaawat. Kinutya ng Pangulo ang palpak na pagre-rebelde noon ni Trillanes. Banat pa ng Pangulo, puro hangin lang daw ang laman ng ulo ng dating senador.

“Isa pang itong walang alam na ugok ito si Trillanes. Nagsasalita ng trillion-trillion. Trillion na hangin. Trillion of cubic meters of air in your head and it is too tight that is why para kang buang nagsasalita ka ng trillion… Kaya ikaw ‘yung… P***** i** pa-rebelde-rebelde ka pa diyan. Hindi ka pala marunong eh. Kita mo kung nanalo kayo, ano ang mangyari sa Pilipinas? Puro porma, puro hambog, puro hamon,” resbak ni Pangulong Duterte.

At kung babatukan daw siya ni Trillanes ay ipapasampal naman daw niya ito sa kanyang driver.

“At batukan — batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko, sampalin ka. Ang driver ko lang ang utusan ka kay andiyan ka lang. Ang tingin ko sa iyo ka-level mo driver. Ulol,” buwelta pa ng Pangulo.

Itinaas na rin ni Pangulong Duterte ang pabuya niya sa mga makakagawa ng bakuna laban sa covid-19.

“And by the way, ‘yung 10 million ko na sa ating mga scientists dito sa Pilipinas, ‘yung mga doctor, mga ano natin — the bright Filipinos who are there working day and night trying to find out how to combat COVID, I’m raising the bounty to 50 million. Fifty million ho ang ibigay ko sa grupo because it is a collegial thing, hindi naman sa isang tao, ah 50 million. Baka ‘pag sa ligaya ko, another 50 million,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén