Local News

Bawal Kumain ng KILAWIN! Babala ng DOH upang Maiwasan ang Coronavirus!

Nitong Lunes ay naglabas na ng paalala ang Department of Health (DOH) para malabanan ang pagkalat ng novel coronavirus na naghahasik ngayon ng lagim sa bansang Tsina.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, iwasan ang pakikipagkamay. Huwag na din munang gawin ang “beso-beso”.

kung babahing o uubo naman ay dapat takpan ang bibig. Kung may sakit naman ang isang indibiduwal ay mamalagi na lang muna ito sa kanyang tahanan.

Nagbabala din si Secretary Duque sa pag-tsibog ng mga hilaw na pagkain. Isa sa mga putahe na tinukoy ni Secretary Duque na hindi muna dapat kainin ay ang Kilawin.

“Make sure that the preparation is adequate. It should not be half-cooked or have meat that is pinkish… Rule number one: Never eat raw meat… A lot of illnesses start with animals or zoonotic transmission… Yang mga kilawin, tigil na muna natin yan. Maraming mikrobyo kasi yang mga yan,” sabi ng kalihim.

Ayon pa sa kalihim, dapat daw ay lutuin ng mabuti ang mga pagkain bago ito ilagay sa katawan.

“You just need to cook it well since coronaviruses are sensitive to heat. If you cook it at 53 degrees centigrade, they will be neutralized,” ani Duque.

Ang bagong uri ng coronavirus ay pinaniniwalaang nailipat mula sa hayop papuntang tao. Unang kumalat daw ito sa isang live animal market sa Wuhan City, China, kung saan may mga ibinebentang mga exotic animals.

Habang isinusulat ang blog post na ito, umakyat na sa 131 na katao na ang nasasawi dahil sa sakit. Pumalo na rin daw sa 6,000 ang mga nahawaan.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén